University president nilikida sa Zamboanga

PATAY sa pananambang ang isang university president sa Zamboanga City matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang hitman sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa inisyal na report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., isinagawa ang paglikida kay Arturo Eustaquio III, presidente ng Unibersidad de Zamboanga, dating Zamboanga Arturo Eustaquio College bandang ala una ng hapon kanina.

Nagtamo ang biktima ng matinding tama ng bala ng baril sa kanyang dibdib, agad na idineklarang patay pagdating sa pagamutan.

Ayon sa mga imbestigador, kalalabas lamang ng biktima sa kanyang tinitirhan sa Maestra Vicenta sa  Sta. Maria sakay ng motorsiklo nang ilang ulit siyang paputukan ng mga suspek gamit ang kalibre 45 pistola.

Wala pang inilalabas na report ang mga pulis hinggil sa motibo sa pamamaslang.

Kaugnay nito, agad namang ipinag-utos ni Zamboanga City Mayor Celso Lobregat ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring pananambang sa presidente ng Zamboanga University.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply