Unlirice, programang PNoy

DAHIL sa pagpupursige ni Pangulong Noynoy Aquino na mapatatag ang suplay ng bigas sa bansa ay unti-unti nang naisasakatuparan ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang National Irrigation Administration (NIA) ang proyektong “unlimited rice” para sa susunod na taon.

At dahil sa proyektong ito ay hindi na kailangan pang mag-angkat ng bigas sa ibang bansa simula sa 2013 at sa mga susunod pang taon.

Matatandaang sobrang pahirap ang inabot ng ating bansa pagdating sa importasyon ng bigas noong mga nakaraang panahon dahil sa kulang ang preparasyon para magkaroon ng sapat na taniman, irigasyon at ani ng palay kung kaya’t dumedepende tayo sa pagbili sa ibang bansa.

Ang resulta tuloy nito ay ang labis-labis na suplay na hindi naman napakinabangan ng ating mga mamamayan dahil nabulok sa mga imbakan at pinakinabangan lamang ng mga insekto.

Ngayon, sinasabi ng DA na halos 80% nang nailatag ang “rice sufficiency program” kaya marami ng stock ng bigas para sa susunod na taon at hindi na masasamantala ng iilan ang importasyon nito.

Tanong nga sa atin ni Mang Teban, nagpaparinig daw yata ako.

Sagot ko naman sa kanya e, hindi naman.

Dahil sa totoo lang noong nakalipas na panahon ay hindi natutukan ang pagpapalago ng produksyon ng bigas at mga pangunahing pangangailangan.

Pero ngayon, prayoridad ni Pangulong Noy ang mga progra-mang ito upang hindi na tayo umasa pa sa importasyon na pinagkakitaan ng iilan.

Simula nang maupo ang Pangulong Aquino, nakapagpatayo na ng mahigit sa 150,000 hectares ng irrigation canals ang NIA pero ang target ay 290,000 sa 2013.

Kaugnay nito ay target pa rin ng pamahalaan na umabot sa  300,000 hectares ng patubigan ang matatapos na higit pa sa target ng DA at NIA na 290,000 ektarya lamang.

At dahil sa mga prayoridad na programang ito ni PNoy ay hindi na magkakaroon ng kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa sa susunod na mga taon katulong ang DA.

Ang target ay makapag-ani ng tatlong beses sa loob ng isang taon ang mga magsasaka kung kaya higit pang pinag-ibayo ang pagsasaayos ng mga irrigation canal.

Namahagi na rin ng mga post harvest equipment ang DA tulad ng threshers, dryers, at milling equipment para kahit tag-ulan ay tuloy ang pag-ani ng palay.

Pinulong na rin ng DA ang rural banks na kung kailangan ng isang magsasaka na bumili ng binhi at wala pang perang pambili ay pahiramin muna sila at ang DA ang magsisilbing guarantor sa pagbabayad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply