UP professor Randy David nakaligtas sa pamamaril

NAKALIGTAS sa pamamaril ang kolumnista at professor na si Randy David sa UP Diliman Compound, Quezon City, dakong alas-otso kagabi (Abril 24).

Bago naganap ang pamamaril, ilan sa mga residente ang nakapuna na nakaparada ang sasakayan na puting Toyota FX (UDM-191) ng mga suspek may ilan metro ang layo sa bahay ni David.

Nagawang makadapa umano ni David nang makarinig ng putok ng baril na tumama sa kanyang sasakyang Toyota Innova.

Nakuha sa lugar na pinangyarihan ang tatlong basyo ng kalibre .45 at ilan basyo ng .9mm na hinihinalang ginamit sa pamamaril sa propesor.

Wala pang makitang motibo ang mga awtoridad sa pamamaril pero patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Quezon City Police Criminal Investigation and Detection Unit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply