UPDATE: 13 na patay sa ambush sa Ifugao

UMAKYAT na sa 13 ang namamatay sa pananambang ng mga rebelde sa grupo ng mga sundalo sa Ifugao kaninang umaga.

Kinilala na rin ang naunang 11 sundalo at isang sibilyan na binawian ng buhay sa naganap na ambush sa Sitio Dontogto, Barangay Tinablayan, Tinoc sa pagkumpirma ni Mayor Lopez Pugong na sina Capt. Seigfred Cafilas, S-3 ng 86th IB, Pvt David, Cpl Lazaro, SSgt. Torres, Pfc Sawakin, Pfc Naliw, Pfc Ragutero, Pfc Canandan, Pfc Viloria, Pfc Florencio, Pfc Salud, ang driver ng military truck, at ang sibilyan na si Inme Lamun at ang isa pang sibilyan na lalaki na hindi pa nakikilala.

Sugatan din sa insidente sina Pfc Sanagan at ang isa sa miyembro ng banda na si Jefferson dela Cruz.

Matatandaan na patungo sa Lagawe, Ifugao ang mga sundalo na miyembro ng 86th Infantry Battalion ng Philippine Army sakay ng apat na trak nang tambangan ng mga rebelde.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply