UPDATE: 2 parak na nanghulidap positibong kinilala

POSITIBONG kinilala ang dalawang pulis-Maynila na nanghulidap sa dalawang Korean national sa may bisinidad ng Malate Church sa Ermita, Maynila, kamakailan.

Kinilala ng biktimang sina Lee Jun Hee at Baek Sung Kyun sa pamamagitan ng picture profile ang mga suspek na sina PO2 Reynaldo Faller Olivo, 37, ng Blk. 5 Lot 11, Model Community, Tondo, Maynila at PO1 Vincent Paul Ubaldo Medina, 26 ng 2253 F. Munoz St., Singalong, Malate, Maynila.

Ayon kay SPO1 John Cayetano, ng MPD-General Assignment Section, unang nagreklamo sa kanilang tanggapan ang dalawang biktima, kaugnay sa dalawang pulis na umano’y sumita sa kanila noong Abril 7 at puwersahang kumuha sa kanilang P20,000.

Sa unang deskripsiyon ng mga biktima, nakasakay umano ang dalawang suspek sa isang kulay puting mobile car at nakasuot ng uniporme.

Dahil dito, itinakda ng MPD-GAS ang police profile line-up ng mga pulis na nakatalaga sa mobile unit at sa PS5 na nasa area ng hurisdiksyon kung saan nangyari ang insidente.

Kasama ng dalawang biktima sina Wesley Co at Leo Anthony Balantac, kapwa taga-Korean Embassy Legal Office ng pumunta sa MPD-GAS ng kilalanin sa police profile ang dalawang suspek.

Nabatid na ini-inquest na sa Manila Prosecutors Office sa kasong robbery (thru extortion) ang dalawang pulis Maynila na una nang sumuko sa kanilang station commander na si P/Supt.Jemar Modequillo, kamakalawa (April 9).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply