UPDATE: 20 adik na bus driver sinuspinde

SINUSPINDE ang 20 bus driver nang magpositibo sa boluntaryong random drug tests na isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) sa mga terminals kahapon (Abril 3).

Apat sa mga ito ay galing sa Metro Manila habang ang 16 ay mula sa Cebu.

Kinumpiska at sinuspinde ng LTO ang mga lisensiya ng mga nagpositibong driver.

“Mahuhuli sila because ang ginagawa natin na inspection ay region-wide. Kung makalusot man sila dito sa Metro Manila, pag dating nila sa Region 4 o Region 5, mahuhuli sila,” ayon kay  LTO Director Edgardo Cabase.

Patuloy ang isinasagawang inspeksiyon ng LTO sa mga bus upang matiyak na karapat-dapat silang bumiyahe.

Dalawang unit naman ng bus ang pansamantalang pinigil na makabiyahe kahapon dahil sa basag na salamin sa harapan.

Samantala, patuloy pa ring ang paglobo ng bilang ng mga pasahero sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao na tutungo sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong Holy Week.

Ayon sa management ng istasyon, tinatayang nasa 10,000 mga pasahero ang dumagsa sa mga terminal noong Lunes na pinakamataas na naitala sa ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply