UPDATE: 14 na patay sa Visayas dahil sa LPA

TUMAAS na sa 14 katao ang namatay matapos madagdagan ang listahan ng limang iba pa na nalunod sa kasagsagan ng walang tigil na pag-ulan sa Visayas region, ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pito sa mga biktima ay residente ng Capiz at ito ay sina Diomer Albay, 14; Kathlene Padilla, 3; Jolly Dioso, 14; Karen Denunbo, 10; Rey Reyes, 9; Rey Ricaforte, 17; at Henrey Hulyete, 47.

Ang iba pang biktima ay residente naman sa Negros Oriental na sina Jean Academia, 50; at si Angelo Lobos Sergio, 8 ng Northern Samar.

Sinabi ng NDRRMC na ang Oriental Mindoro, na dumanas ng intermittent rains nitong nakaraang linggo sanhi ng isang low pressure area, ay nakaranas ng malaking sira sa agrikultura at imprstraktura na halagang P89.55 milyon.

Samantala, may kabuuang 24,843 na indibidwal ang lumikas sa probinsya ng Oriental Mindoro, Capiz, Iloilo at Negros Occidental.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply