UPDATE: Aswang sa Pangasinan hahantingin ng mga residente

KAHIT nabigo kahapon (Biyernes, Abril 13) ang mga residente ng Pozzorubio, Pangasinan na mahuli ang aswang na sinasabing pumapatay sa kanilang mga alagang hayop ay patuloy pa rin nila itong tutugisin.

Ayon kay Romulo Juliha, 53-anyos, residente sa nasabing lugar na itutuloy pa rin nila ang paghahanap sa aswang ngayong gabi.

Sinabi ni Mang Romulo, na armado ng samurai, kasama ang mga taga-lugar na armado naman ng  itak, sibat at mahahabang kahoy na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang aswang.

“Namataan namin ung aswang pero ang bilis tumakbo at nang habulin namin ay biglang nawala sa kadiliman,” dagdag pa ni Mang Romulo.

Pati aniya ang mga kapulisan ay nakikisa na rin sa kanila sa pagtugis sa salot sa mga alagang hayop.

Ayon kay Police Inspector Maximiano Baleta, ng Pozzorubio PNP, aalalayan ng kapulisan ang ikinakasang paghahanting ng mga residente sa sinasabing aswang para na rin sa kanilang kaligatasan at ikatatahimik ng lugar.

Matatandaaang umalma na ang mga naturang residente dahil sunod-sunod na natatagpuang patay ang kanilang alagang mga aso, kambing, baboy at iba pang alagaing hayop simula pa nitong nakaraang Lunes (Abril 9).

Dahil kakaiba ang pagpatay, nagsimula na silang magduda at hindi naman sila nagkamali dahil may nakakita na sa naturang aswang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply