UPDATE: Kompanyang nagpahintulot sa 13 Chinese na makapagmina sa CamSur mananagot

PANANAGUTIN ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang kompanyang nagpahintulot sa 13 Chinese nationals upang makapagmina sa Lagonoy, Camarines Sur.

Ayon kay MGB Dir. Leo Jazareno, sa oras na matuklasan na nag-hire ang Bicol Chromite ng mga banyaga o mga hindi awtorisadong dayuhan, mahaharap ito sa kaukulang parusa.

Batay sa probisyon ng Mining Act, kinakailangang humingi muna ng permiso ang isang mining company mula sa kanilang ahensya kung nais nitong pagtrabahuhin ang foreign nationals.

Sinabi ni Jazareno na hindi sila nagbigay ng authorization sa Bicol Chromite kaugnay sa bagay na ito kaya mahaharap ito sa panibagong kaso.

Samantala, maging ang PNP-Lagonoy ay nakikipag-ugnayan na rin sa Bureau of Immigration upang alamin kung may paglabag din ang 13 Chinese sa pagpasok sa bansa.

Sa ngayon ay nasa Tigaon District Jail na ang mga dayuhan na nahaharap sa kasong illegal mining at illegal possession of explosives dahil sa pagtatago ng tone-toneladang high-grade dynamites.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply