UPDATE: MILF dumukot sa Salug town mayor

MGA miyembro ng rogue Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels ang dumukot kay Mayor Jeffrey Lim ng Salug town sa Zamboanga del Norte, kagabi, Abril 2.

Ito ang paniwala ni Lt. Col. Randolf Cabangbang ng Western Midandanao Command, na kaya nagpakilalang mga pulis at ikinubli sa pamamagitan ng pagsuot ng itim na bonnet ang kanilang ulo ay upang hindi mabuko na sila ay kasapi sa grupo ng tiwaling MILF rebels.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagpaparamdam sa pamilya ang mga dumukot kay Lim na pinaniniwalaang itinawid sa karagatan para dalhin at itago sa isang isla na kanilang baluwarte.

Bukod naman sa itinaas na ng awtoridad ang red alert sa lahat ng police stations, ikinasa na rin ang pagtugis sa kidnappers at maging sa pagsagip sa biktima.

Kagabi ng alas 7 nang dukutin ng may 10 armadong lalaki nakasuot ng bonnet ang biktima habang papunta sa Salug Integrated bus terminal.

Natagpuan namang sunog na sunog ang dilaw na van na ginamit sa pagdukot sa Barangay Caracol, ayon kay  Philippine Army 102nd Brigade commander Col. Gerry Barrientos.

Dinukot si Lim, may walong buwan na ang nakararaan matapos dukutin ng New People’s Army rebels sa Lingig, si Surigao del Sur Mayor Henry Dano at dalawang sa kanyang military escorts noong  Agosto 2011.

Pinalaya si Dano at ang kanyang escorts noong Oktubre 2011 sa boundary ng Agusan del Sur at Compostela Valley.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply