UPDATE: P3-M ari-arian naabo sa sunog sa Agham Road, QC

AABOT sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo nang lamunin ng apoy ang residential area sa Agham Road, Barangay Bagong Pagasa, Quezon City, ngayong hapon.

Ayon sa ulat ni Bureau of Fire Protection-Quezon City chief City Fire Marshall Bobby Baruelo, dakong 1:30 ng hapon nang maganap ang sunog sa mga kabahayan sa Sitio Belmonte, Kawili Compound sa nasabing lugar.

Sinabi ni Baruelo na nahirapan ang mga bumbero na makapasok agad sa lugar dahil makipot ang daanan papasok sa mga dikit dikit na kabahayan.

Idinagdag pa sa ulat na mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang mga kabahayan sa lugar na katapat lamang ng Agham Fire Station.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog, ngunit wala namang iniulat na namatay o nasugatan sa naturang sunog.

Ayon kay PO3 Antonio Motenegro ng Quezon City Police District station 2 Masambong, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Juliet Monterola.

Sinisiyasat pa ng mga tauhan ng arson investigator ang pinagmulan ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply