UPDATE: PCOS deal dinesisyunan ng SC

MALAMANG ay balik-manual na ang 2013 midterm elections makaraang maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema sa kasunduan na pinasok ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbili ng 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines sa  Smartmatic.

Ani SC Spokesman Midas Marquez, unanimous ang naging botohan ng mga mahistrado ukol sa usapin.

Nauna nang inakusahan ng ilang petitioner ang poll body ng hindi pagsunod sa bidding process at patagong paglagda ng maselang kontrata na pinangungunahan nina dating Vice President Teofisto Guingona, dating Quezon City Rep. Annie Rosa Susano, Bishop Fernando Capalla at iba pa.

Tinatayang aabot sa P1.8 billion ang kontrata sa pagbili ng PCOS, kung saan sinasabi ng grupong Automated Election System (AES) watch na lubhang malaki para paglaanan ng pondo ng pamahalaan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply