UPDATE: Pinay na namatay sa HK balik-Pinas mamaya

INAASAHANG darating sa bansa mamayang hapon ang Pinay Household Service Worker (HSW) na namatay matapos mabagsakan ng katawan ng isang Chinese national na tumalon mula sa rooftop sa Hong Kong.

Ang biktima na nakilalang si Lourdes Rabi, 49 at tubong Hilongos, Leyte ay babalik sa bansa dakong 1:15 ngayon hapon sakay ng PR-301 sa Terminal 2 ng NAIA.

Bumiyahe na rin ang pamilya ng Pinay para sunduin ang bangkay nito sa Hong Kong.

Matatandaan na nakatayo sa labas ng gusali ang Pinay nang mabagsakan ng katawan ng Chinese national na tumalon mula sa rooftop ng 32-story na building sa nasabing bansa nitong Miyerkules Santo.

Samantala, nakatanggap na ang pamilya ng P200,000 assistance mula sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply