UPDATE: Red alert ng NDRRMC ibinaba na sa blue alert

MAKARAANG pumalya ang rocket launch ng North Korea, ibinaba na ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa blue alert mula sa dating red alert ang lagay ng seguridad sa Pilipinas.

Inalis na rin ang “no fly zone,” “no sail zone” at “no fishing zone” na ipinatupad sa ilang lalawigan sa Bicol at Cagayan.

Mismong ang NDRRMC ang nagkumpirma na pumalya ang rocket launch ng NoKor ilang minuto matapos itong pakawalan kaninang mag-aalas-siyete ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply