UPDATE: Water level sa mga dam sapat pa

SAPAT pa ang tubig sa mga dam.

Ito ang inihayag ngayon ng PAGASA at isang hydrologist sa kabila ng nararanasang matinding init ng panahon na dahilan ng pagbaba ng water level sa mga dam.

Ayon sa ulat, bumaba man ang water level sa mga dam ay hindi pa rin dapat maalarma ang publiko dahil sasapat pa ito ngayong summer.

Nasa 79.67 meters pa ang water level sa La Mesa Dam. Ito ay malayo sa critical level na 79.50 meters.

Patuloy namang nagpapaalala ang Local Water Utilities Administration (LWUA) sa publiko na tipirin ang kinukonsumong tubig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply