US beef ‘di nakararating sa palengke ng Pinas — NMIS

SINIGURO ng National Meat Inspection Service (NMIS) na hindi nakararating sa mga palengke sa Pilipinas ang mga imported na karne tulad ng US beef.

Ginawa ng NMIS ang paglilinaw upang mapawi ang pangamba sa bansa sa pagkakaroon ng “mad cow disease” ng isang baka sa Amerika.

Ayon kay NMIS Executive Director Jane Bacayo, karaniwan nang mga locally grown na baka ang itinitinda sa mga palengke.

“Yung pumapasok na mga karne sa mga palengke usually ay murang beef na sinusuplay para sa ating mga kababayan na hindi kayang bumili ng mamahaling karne. ‘Yung mga beef na pumapasok sa mga public market ay locally grown ito,” ayon kay Bacayo.

Binanggit ni Bacayo na madalas ay sa malalaking supermarket, five star hotels at restaurants dinadala ang mga inaangkat nating karneng baka mula sa Amerika, Canada, Australia at New Zealand.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply