US beef inayawan na ng South Korea

KAHIT siniguro na ng United States Department of Agriculture na walang mad cow disiease ang ibinibenta nilang karne ng baka, minabuti na rin ng South Korea ang magsiguro.

Ayon sa report, inihinto na ng dalawang malaking supermarket sa South Korea ang pagbebenta ng US beef.

Agad tinanggal ng Home Plus at Lotte Mart, ikalawa at ikatlong pinakamalaking supermarket sa South Korea, ang tinda nitong US beef upang mapakalma ang mga mamimiling natatakot na maapektuhan ng nasabing sakit.

Ang South Korea ang ika-apat sa pinakamalaking importer ng US beef.

Noong nakaraang taon, bumili ito ng 107,000 toneladang karne ng baka na nagkakahalaga ng $563 million.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply