US war games banta lang ng gulo sa Pilipinas

MAGDUDULOT lamang ng mas kalituhan at kaguluhan ang napipintong pagpasok ng pwersa ng mga sundalong Amerikano sa West Philippine Sea.

Reaksyon ito ni Akbayan Rep. Walden Bello kasunod ng pagsasagawa ng US war games sa West Philippines Sea kung saan sabay na magsasanay ang mga sundalong Amerikano at Pilipino.

Naniniwala si Bello na nais lamang papaniwalain ng mga Amerikanong sundalo ang mga Pilipino na ang Balikatan exercises ay daan para sa pagpapaigting ng seguridad ngunit sa totoo lang aniya ay lalo lamang nitong palalalain ang kalagayan at sitwasyon sa naturang bahagi ng bansa.

Sa nabanggit na aktibidad ay nakatakdang lumahok ang may 4,500 US troops at 2,300 tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Giit ni Bello na ang naturang dobleng bilang ng mga sundalong Amerikano kumpara sa ating militar at ang lokasyon ay malinaw na pupukaw sa interes ng mga ito ang teritoryo ng Pilipinas.

Inuudyukan pa ng grupong Akbayan ang administrasyong Aquino na hindi kasagutan ang US war games para solusyunan ang patuloy na pakikialam ng China sa ating teritoryong nasasakupan at sa yamang likas ng bansa matapos ang pagkakahuli noong Linggo sa ilang Chinese vessels sa Scarborough Shoal na iligal pang nangisda.

Sa halip ay iminungkahi ni Bello na mas pagtuunan ng bansa ang pagbuo ng diplomatikong solusyon sa naturang iringan at dapat tapatan ng Pilipinas ang boses ng China sa paghingi sa kanila na irespeto ang ating teritoryo at kilalanin ang kapangyarihan ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply