Usisain ang ginagawang pagdedebelop ng Macbuilt

TALAKAYIN natin itong iligal na pagdedebelop ng Macbuilt Asphalt na matatagpuan sa San Juan, Taytay, Rizal na pag-aari ng isang korporasyon.

Ang Macbuilt Asphalt ang kasalukuyang nagtatabon sa lupaing pang-agrikultura na sakop ng 12.5 elevation na nasasakupan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Ang nakapagtataka rito ay kung paano naisyuhan ng tanggapan ni Taytay Mayor Joric Gacula ng development permit (DP) ang nasabing korporasyon.

Ganu’ng maraming pending application  mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Environmental Compliance Certificate (ECC) na hindi pa naman aprubado para sa nagdedebelop.

Magkano kaya?

Mantakin n’yo, dahil sa sakop ng LLDA  ang dinede-belop ng Macbuilt Asphalt, kailangan ay kumuha ito ng LLDA clearance  at shoreland development permit dahil ang area ay sakop ng 12.5 elevation ng LLDA.

Sa bibig na mismo ni Atty. Torres nanggaling na walang inisyung permit ang LLDA sa nasabing developer.

Iligal ang ginagawang pagdedebelop ng Macbuilt Asphalt kaya kailangan lamang na ipatigil ang nasabing pagdedebelop sa lugar.

Kung kinakailangan na pagmultahin ang developer nito at tuluyan nang kanselahin ang pagde-debelop dito ay gawin na.

TUPADAHAN NI TSERMAN PADER

Inaangalan na ng mga residente ng Brgy. Pallocan, West, Batangas City ang lantarang operasyon ng tupadahan ni Brgy. Capt. Reyes sa barangay.

Wala nang takot na ino-operate ni Brgy. Capt. Re-yes ang tupadahan nito.

Ang nakapagtataka na-katunganga naman si COP Supt. Nicolas Deloso Torre.

oOo

Anomang reklamo o pu-na ay itext lang sa 09189-274764,09266719269 o email: juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply