Van sumalpok sa trak, 2 doktor patay sa Laguna

PATAY sa malagim na aksidente ang dalawang manggagamot nang sumalpok ang kanilang sinasakyang hi-ace van sa isang nasiraang trak sa Sta. Rosa, Laguna kaninang madaling-araw.

Naisugod pa sa ospital ang mga biktimang sina Maria Elizabeth Mendoza, 35, physician at residente ng Brookside Hills, Cainta, Rizal at Yemen Cadatuan, 38, surgeon ng Bagong Barrio, Caloocan City ngunit namatay din matapos ang isang oras na pagtatangkang mailsaba ang kanilang buhay.

Hawak naman na ng pulisya ang tsuper ng trak na si Geneboy Bartolome at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting in damage to property and double homicide.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling-araw sa isang bisinidad ng national highway sa Sta. Rosa City.

Nabatid na bago ang insidente ay patungo ng Maynila ang mga biktima at sakay ng Toyota Hi-ace van na minamaneho ni Cadatuan nang pagsapit sa Barangay Macabling, sa hindi malamang dahilan ay bumangga ang naturang van sa hulihang bahagi ng nasiraang trak.

Sa lakas ng pagkakabangga ay humampas ang ulo at nalasog ang katawan ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply