Vangie Labalan in love raw sa young businessman

BLOOMING nang makita namin si Vangie Labalan sa taping ng “Alice Bungisngis” na bida si Bea Binene. Balitang may nagpapasaya raw na young businessman sa veteran actress ngayon na nakilala niya sa ballroom dancing.

Sa pagtatanong namin kay Ms. Vangie, hinggil sa issue na may young lover siya, isang malakas na halakhak lang ang narinig namin sa kanya sabay sabing: “Naku, wala akong hilig sa mga bata o mas bata sa akin. Basta kontento na ako ngayon sa pagsasayaw ko ng tango. Mas mahal ko ang tango ngayon kaysa pagiging artista ko. Pero hindi rin mawawala sa sistema ko ang pag-arte. Bale ito ang aking bread and butter. Inaamin ko, nauubos ang pera ko sa pagbu-ballroom dancing. Buti naman nang nahilig ako tapos nang mag-aral lahat ang aking mga anak.”

Ikinuwento ni Ms. Vangie na lalaking itsini-tsismis sa kanya ngayon ay ang business partner niya at ballroom dancing partner na si Staki Dulay. Happily married at may apat na mga anak.

Mag-partner sina Ms. Vangie at Staki sa bagong bukas pa lang na Pop’s Lechong Manok at Crispy Liempo na may existing stores sa Molino (Bacoor), Zapote (Las Pinas) at Dongalo ( Paranaque).

Mismong si Staki ang gumawa ng formulation para maging masarap at naiiba ang Pop’s Lechon Manok at Cristy Liempo.

Magkasama rin sina Vangie at Staki sa movie na Eloy na tampok ang unang tambalan nina Regine Tolentino at Ely Damasin, ang award-winning Pinoy tango dancer na nagwagi sa Los Angeles sa isang international competition.

Sa Eloy, lalabas si Staki bilang young lover ni Vangie. Isasali ito sa mga international competitions na ang tema ng istorya ay hingil sa competition ng tango. Highlights ng Eloy movie ay ang competition dance nina Re- gine at Ely na kukunan mismo sa magaganap na dance competition sa Asia-Pacific Tango Festival in Manila na gaganapin sa Meralco Theater.

000

HINDI na matatawaran ang malaganap na portion ng Bubble Gang na Boy Pick Up. Ginawa na kasi itong movie na bida siyempre si Ogie Alcasid. Pero ang masuwerteng napili at first choice na leading lady nito ay si Solenn.

Never na naging second choice si Solenn sa Boy Pick Up movie na produced ng Regal at GMA Films. Bagkus, talagang ito ang ideal girl para kay Ogie sa istorya.

Anyway, aabangan naman ang Boy Pick Up portion sa Bubble Gang every Friday dahil maraming magagandang babae na naman ang mapanonood sa pangunguna ng Bubblets na kinabibilangan nina Jackie Rice, Sam Pinto, Gwen Zamora at Ellen Adarna. Paborito si Ellen na i-front sa mga gags at sa Boy Pick Up portion dahil in demand ang beauty ng FHM model ngayon. Fresh, sexy at innocent-looking kaya paborito siyang i-front lagi sa mga portion ng BG sa mga nakakatuwang sitwasyon.

Tampok na gag ay hinggil sa reklamo sa referee sa mga liga ng basketball. Panauhin sina Betong, Isabel Daza at Jackie Woo.

Di pa rin mawawala ng Cheche Bureche portion nina Ogie at Michael V.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply