VP Binay binisita ni PNoy sa Coconut Palace

PERSONAL na binisita ni Pangulong Benigno Aquino III si Vice President Jejomar Binay sa tanggapan ng huli sa Coconut Palace sa Pasay City.

Ang dalawang opisyal ay kapwa dumalo sa 2nd Ministerial Meeting ng Abu Dhabi Dialogue sa Luzon Ballroom, Sofitel Philippine Plaza, Manila, CCP Complex, Roxas Blvd., Pasay City  kung saan tinalakay ang kapakanan ng Overseas Filipino Workers OFWs).

Sa mensahe ng Pangulo sa okasyon, umapela siya sa labor ministers ng iba’t ibang bansa na huwag abusuhin, bagkus ay bigyang dignidad ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang mga bansa.

Tinapos lang ni Pangulong Aquino ang kanyang talumpati sa nasabing okasyon at agad na dumiretso sa tanggapan ni Binay saka nagsagawa ng closed door meeting.

Magugunitang itinatag ni Binay ang United Nationalist Alliance (UNA) na inaasahang ilalaban sa mga kandidato ng Liberal Party.

Itinanggi naman ng Pangulo na ‘inevitable’ ang kanilang paghihiwalay ng landas ni Binay sa 2016 elections.

Dedma lang din ang Malakanyang sa babala ni Sen. Antonio Trillanes na mamamayani ang mga taga-oposisyon sa  2013 elections.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahala na ang Liberal Party (LP) na tapatan ang mga kandidato ng United Nationalists Alliance (UNA).

Kapansin-pansin na ngayon pa  lamang ay pomoporma na ang UNA ni Vice President Jejomar Binay.

Aniya, walang dahilan upang mabahala ang publiko sa nalalapit na halalan dahil nakatutok ang administrasyon sa governance.

Sa kabilang dako, hindi naman maaapektuhan ng eleksyon ang mga programa laban sa kahirapan at katiwalian.

Hindi umano binuo ang UNA sa pagitan nina Binay at dating Pangulong Joseph Estrada para maging opposition sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Bahagi lamang umano ito ng demokrasya sa bansa kung saan bumuo ng sariling samahan sina Binay na kinabibilangan ng mga kandidatong may kakayanan na mamuno at magsilbi sa bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply