‘Wag limutin ang comfort women– NYC

KASABAY ng paggunita sa “Araw ng Kagitingan”, umapela ngayon ang National Youth Commission (NYC) sa mga kabataang Filipino na huwag kalimutan ang mga untold story ng mga comfort women noong panahon ng pagsakop ng Hapon sa Pilipinas.

Sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, kinikilala rin ng NYC ang ating mga lolas at ang kanilang kagitingan at lakas noong Japanese occupation.

“Mahalaga na ating malaman ang kanilang mga kuwento, kung paano sila inabuso, sinaktan, ginahasa at pinilahan ng mga sundalong Hapon sa mga ‘comfort stations’. Hanggang ngayon, wala pa silang nakakamit na hustisya at marami sa kanila ang namatay na. Alamin natin ang kanilang mga kwento bilang pagpapahalaga sa kasaysayan,” ani YC Chairman Leon Flores III.

Ayon kay Flores, hindi dapat na kalumitan sa ating kasaysayan ang ibinuwis na buhay ng ating mga ninunong kababaihan na karamihan ay nakaranas ng pang-aabuso mula sa kamay ng mga Hapones noon.

Naniniwala si Flores na hindi dapat malimutan ng bawat kabataan at ng lahat ng mga Pinoy ang sakit at hirap na dinanas ng ating mga ninuno noong World War 2.

Kung magbabalik tanaw sa pait na dinanas ng ating mga kababaihang ninuno noon, karamihan sa kanila ay itinulak sa pagiging sexual slavery ng mga sundalong Hapon.

Sa kasalukuyan, ang naturang kaso ng ating mga kababaihang ninuno ay may Motion for reconsideration sa Korte Suprema laban sa inilabas na desisyon (Vinuya vs. Romulo) ni Justice Mariano del Castillo.

“The struggle of Filipino comfort women may have several layers of issues attached to it already. What is both important and urgent is that our lolas know that young people are aware of the issue and are one with them in their fight for justice. We hope the young will realize that it is both a women’s issue and importantly, an issue of the country’s sovereignty.” ani Flores.

Aniya pa, ang NYC ang magsisilbing boses ng mga kabataan at kabilang sa isinisigaw nila ay ang pagbibigay ng simpatiya sa mga comfort women.

Nabuo ang NYC sa ilalim ng Republic Act 8044 o ang Youth in Nation-Building Act, kung saan ang pangunahing titututukan ay ang development ng kabataan upang magkaroon ng sapat na pang-unawa sa kasaysayan ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply