Wage increase sa Central Mindanao aprub na

INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang umento sa sahod para sa mga manggagawa sa pribadong kumpanya sa Central Mindanao.

Ayon kay Labor and Employment (DOLE) Region 12 Director Chona Mantilla, batay sa bagong wage order ay madaragdagan ng P14 ang arawang sahod ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon.

Sa ilalim ng bagong wage order, maglalaro na ang arawang sahod ng mga naturang manggagawa sa pagitan ng P248 hanggang P270 mula sa dating P234 hanggang P260.

Ang unang bugso ng wage hike ay ibibigay sa Mayo 1 habang ang ikalawa ay sa katapusan naman ng Disyembre.

Nabatid na sakop ng bagong wage increase ang mga manggagawa sa mga lalawigan ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani at mga siyudad ng General Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan at Cotabato.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply