Walang intriga sa pagitan nina Iwa at Nadine!

HABANG naglilimi-limi kami nitong nakaraang Mahal na Araw, naisip naming may pagkakahawig sina Glaiza de Castro at Bianca King pagdating sa taste sa mga lalaki.

Parehong bida roles na ang ginagampanan nina Glaiza at Bianca sa GMA7. Si Glaiza, nakilala bilang bida sa Grazilda, tapos ngayon ay kasama sa Biritera bilang leading-lady ni Dennis Trillo.

Si Bianca naman ay nakilala sa Sinner or Saint bilang bida. Isang panghapong soap ng GMA.

Nasundan ito ngayon ng Broken Vow.

Magkahawig ang landas nina Glaiza at Bianca sa ngalan ng pag-ibig. Unang nakarelasyon ni Bianca ang naging-ex-boyfriend ni Glaiza na si Patrick Garcia. Bale first boyfriend ni Glaiza si Patrick sa showbiz at sa totoong buhay. Si Bianca naman ay balitang first boyfriend daw si Patrick nung kabataan niya. Artista si Patrick noon habang si Bianca ay nag-aaral pa lang ng high school.

Tumagal daw ang kanilang relasyon ng pitong taon.

Nagkahiwalay lang sila sa panahong pumasok na si Bianca sa showbiz.

Si Glaiza at Patrick naman ay unang nagkasama sa Dear Friend episode ng GMA na may titulong Igorota na kinunan pa sa Baguio. Dito nagsimula ang pagmamahalan ng dalawa dahil parang madala sila sa magandang klima at scenery ng Baguio.

Di nagtagal ang relasyon nina Glaiza at Patrick. Months lang itinagal nito dahil di pa raw talaga handa si Glaiza na mag-all out sa relationship sa opposite sex dahil priority niya ang pag-aartista.

Ngayon lang kasi siya nagkakapangalan.

Sa parte ni Glaiza, na-in love siya kay Patrick dahil bata pa siya ay hanga sa siya sa actor dahil bukod sa magaling umarte, ubod pa ng guwapo.

Hanga raw si Glaiza sa mga magagaling na actor tulad ni Patrick na isa ng award-winning actor noong bata pa lang siya.

Samantala, bago pa man mag-partner sina Dennis Trillo at Glaiza de Castro ay hanga na ang una sa huli kaya laking tuwa ni Glaiza na ang kanyang fovorite at dating crush na actor ay kasama niya sa Biritera bilang leading man.

000

AMINADO si Iwa Moto na sila pa rin ngayon ni Leandro Munoz. Kahit nasa America ngayon ito at bumabalik lang ng Pilipinas kapag kailangan sa set ng anumang project niya sa TV5, okay pa rin ito kay Iwa. Nakapag-uusap sila regularly via phone at internet. Siya pa nga ang taga-gising ni Leandro sa umaga.

Samantala, nang tanungin namin si Iwa hinggil sa issue kung nagkita na ba sila ni Nadine Samonte, ang ex-GF ni Leandro ng ilang buwan sa panahong magkatambal ang dalawa sa The Sisters, mariing sinabi ni Iwa na hindi pa sila nagtatagpo ng landas. Okay naman daw kung magkita sila dahil alam ni Iwa na tapos na talaga sina Nadine at Leandro.

On Iwa’s part, alam din ni Iwa na nakipagbalikan na si Nadine sa kanyang dating boyfriend na si Emerson Chua na mula sa angkan na founder ng Ping Ping Lechon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply