Walang kapagurang pangulo

NITONG nakalipas na Lunes Santo ay nag-ikot si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, III sa mga pantalan, bus station at paliparan para lamang masuring mabuti kung nasa ligtas at maayos ang gagawing biyahe ng ating mga kababayan sa mga araw na ito.

Ang ginawang inspeksyon ni Pangulong Aquino sa mga nabanggit na lugar ay naganap bago ito lumipad patungong Cambodia para dadalo naman sa Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summit.

Marami ang nagulat sa ginawang ito ng Pangulo dahil personal pa itong nagtungo sa pantalan, bus station at paliparan para lamang matiyak na magiging ligtas ang gagawing biyahe ng mga kababayan nating magtutungo sa kanilang mga lalawigan para sa pagdiriwang ng Mahal na Araw o Semana Santa.

Matapos ang inspeksiyon ng Pangulo ay nagtungo na ito sa paliparan para naman sa kanyang biyahe patungong Cambodia at hindi mo man lang mapapansin sa kanyang mukha na napapagod ito dahil na umaga’t hapon na pagtatrabaho at kung minsan ay inaabot pa ng
hatinggabi.

Ibang-iba si Pangulong Aquino sa mga nagdaang Pangulo ng bansa dahil ito mismo ang personal na nangangasiwa para lamang matiyak na walang dapat na masisi sakaling may mangyaring anomang aberya.

Kasama sa tiningnan ng Pangulo ang mga barkong bibiyahe kung saan ay umakyat pa ito sa barko at tingnan ang buong sasakyan kung ligtas o hindi bukod pa sa pagtitiyak na hindi ito overloaded bago umalis ng pantalan.

Kung ang lahat ng ating mga naging Pangulo ay parehas ni PNoy, tiyak na lahat ng mga opisyal ng gobyerno ay magiging masipag at tiyak na ang makikinabang nito ay ang simpleng Juan dela Cruz.

Hangad lang natin na sana ay sumunod ang iba pang opisyal ng gobyerno sa ipinakikitang sipag ni Pangulong Aquino dahil kapag nangyari ito tiyak na hindi na mapipintasan ang serbisyo publiko sa ating bansa.

PAGMUMUNI SA MAHAL NA ARAW

Sa pagsapit ng Mahal na Araw ay marami sa ating mga kababayan ang hindi na inaatupag ang tamang pagtitika bagkus ay ang pinagkakaabalahan ay ang mga pagsasaya sa pamamagitan ng pagtutungo sa iba’t ibang lugar.

Nakalimutan na ng ilan sa atin ang mga tamang at dapat gawin sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw dahil bago pa man sumapit ang panahong ito ay ang una na nilang iniisip ay kung saan bang lugar masarap magbakasyon.

Sana ay bumalik sa ating pag-uugali ang tamang pagtitika sa panahon ng Mahal na Araw dahil isa itong paraan upang humingi tayo ng tawad sa Panginoon sa ating mga kasalanan kasabay na rin ng pasasalamat sa mga tinamasa nating tagumpay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply