Warfreak, lasenggong pulis isinusuka ng iba

MISYON AKSYON, nabasa ko po ang inyong artikulo noong linggo na pinamagatang “Pulis na namalo ng .45 pinakawalan, sibilyan na namalo ng tubo nakulong’only in the Philippines?” na kung saan si P02 Christopher “Boyet” Magmanlac po ang kanyang tunay na pangalan.

Mali po ang naisulat ninyong pangalan kaya po ako nag- text sa inyo. Kasi hindi lamang po isang beses na ginawa ang ganyang pamamalo.

Maraming beses na po itong nanutok ng baril at ‘pag nalalasing ay walang habas itong nagpapaputok ng kanyang baril.
Katunayan po, noong nakaraang buwan, Pebrero 4, 2012, may tinutukan po ng baril ‘yan na aming kabarangay, si Mang Alejo Gado na kaniya ring kapitbahay, nang may selebrasyon ng birthday.

Gumawa pa ito ng senaryo. ‘Yung Mobile 301 na nakatalaga sa may Pleasant  malapit sa Tungko na kasamahan niya ay hiningan niya ng responde at  pinagdadala ito ng mahaba dahil mayroon daw aarestuhin. Tinutukan daw siya.

Agad namang nagresponde ang nasabing mobile. Nang dumating ang mga kasamahan niya ay nagtanong ang mga ito sa mga taong kanyang inirereklamo at mga kagawad at napag-alaman nilang walang ginawang masama ang inirereklamo niya. Bagkus siya ang may kasalanan kaya nagsalita ang nagresponde ng, “Pare, alis na tayo mapapahamak pa tayo. Siya pala ang may kalokohan.”

Misyon aksyon, kung kayo ay pupunta sa Barangay San Isidro at karatig na barangay, makikita po ninyo ang mga sandamakmak na reklamo na ginawa ni  PO2  Boyet Magmanlac. Maging ang kapitan na si Walunsundin ay masama ang loob dahil iyong pamangkin niya ay binugbog rin nito.

Sana itapon siya sa Mindanao para makita ang kanyang tapang, tiyak tatalupan siya ng mga Abu Sayaff doon.

Gumagalang
Concern Citizen.

Juan dela Cruz.

Paging DILG Sec. Jesse Robredo, sir, pakiimbestigahan naman po ang reklamo sa abusadong pulis na si P02 Christopher Magmanlac na kapag nakaiinom ay warfreak ang kaniyang asal, namamalo ng baril at walang habas na nagpapaputok ng kaniyang baril. May takot na ang kanyang mga kabarangay sa kanyang asal kaya pakikastigo nga po ang nasabing pulis.

Alam mo, PO2 Boyet Magmanlac, diyan galit si Governor Willy Alvarado. Galit siya sa mga abusadong pulis at tinatanggal niya sa kanyang nasasakupan para huwag pamarisan.

Kaya tinitiyak ko na bilang na ang araw mo dahil nalaman na ni Governor ang kabulastugan mo! Kay P02 Magmanlac, sir, mukhang kakaiba ang iyong asal.

Ang ganyang ugali ng isang pulis ay hindi rin kinukunsinte ng IAAS at  NAPOLCOM.

Bukas po ang aking kolum para sa  inyong panig at kapaliwanagan.

Note: Kapag may problema po kayo sa SSS, GSIS, PAGIBIG, Homeowners Assocition at iba pa, pupuwede po kayong tumawag sa cellphone numbers: Globe-09165982736 at Smart-09193628223 o mag-email sa www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@ya-hoo.com, arnelpetil12@gmail.com at http://misyonaksyon.blog-spot.com Sa mga texter at nagi-email po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang kanilang buong pangalan, kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas.”

Subalit kinakailangan pa ring ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting document na magpapatibay o makatutulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply