Waterlily float simbolo ng pagmamahal sa kalikasan

MULING pinatunayan ang pagkamalikhain at mapagmahal sa kalikasan ng mga residente ng Las Piñas City sa kanilang water lily float na kabilang sa lumahok sa 27 Bangus Ed Carosa Float parade na ibinalandra sa buong bayan ng Dagupan, Pangasinan sa pagdiriwang ng taunang Bangus Festival.

Umani ng papuri sa lokal at dayuhang mga turista ang naturang float na yari mula sa pinatuyong water lily na may iba’t-ibang kulay na nakapalibot sa buong float at ang larawan ng isang malaking Bangus na tampok sa pagdiriwang.

Ang waterlily float ay master piece ng Villar Foundation  na mula pa sa Las Piñas.

Ang foundation na pinamumunuan ni dating Las Pinas Representative at Managing Director Cynthia A. Villar (CAV) ay maituturing ng dalubhasa sa larangan ng recycling mula sa mga basurang kanilang nakokolekta sa Las Piñas River na siya namang livelihood o pinagkakakitaan ng mga pamilya rito.

Ang water lily ay itinuturing na basura at sanhi ng mga pagbabara sa mga daluyan ng tubig subali’t natuklasan ng Villar Foundation na ito’y may hatid na ginto sa kabuhayan ng bawat pamilya sa lugar.  Maging ang mga bunot at bao ng niyog na nakakalat sa mga ilog ay hindi rin pinalampas ng foundation.  Mula dito, nakagagawa sila ng mga lubid na pangunahing nakatutulong sa soil erosion sa mga baybayin.

Matiyaga din nilang kinokolekta sa mga karatig na palengke ang mga nabubulok na gulay at prutas at ginagawang organic fertilizer na ipinagbibili sa mga may taniman ng gulay at iba pang halaman.

Nadiskubre rin ng Villar Foundation ang paghahalo ng dinurog na mga plastic sa semento sa paggawa ng hollow-blocks dahil mas matibay ito kesa sa ordinaryong hollow-blocks.

Hindi naitago ni Dagupan Mayor Benjamin Lim ang kanyang paghanga sa obra ng Las Piñas City sa pagkakalikha ng water lily float mula lamang sa mga basura sa paligid.

Tinangka rin ni Lim na sumakay sa waterlily float subalit hindi natuloy dahil sa wala siyang mahahawakan.

Sakay ng float ang tatlong naggagandahang binibini na nagwagi sa isinagawang Search for Ms. Water Lily sa Las Pinas City: Shiela Marie Arevalo, Rosell Ramil at Hannelyn Suarez, edad 17,  na nakasuot ng damit na kapwa yari rin sa water lily mula ulo hanggang paa.

Ayon kay  Mrs. Villar bagama’t ipinagmamalaki niya ang mga papuri sa water lily float, hangad niya na sana’y magsilbing halimbawa ang Villar Foundation sa iba pang mga lugar sa bansa na panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig at gawing kapaki-pakinabang ang mga basurang makukuha dito.

Makapagbigay din ng kabuhayan sa mga residente.

Nitong Pebrero, magugunita na unang sumabak ang waterlily float pagdiriwang ng Panagbenga Festival sa Baguio City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply