Wiretapping vs drug syndicates giit ng PDEA

HUMIRIT sa Kongreso ang Philippine Drug Enforcement Agency na magkaroon sila ng kapangyarihan na ma-wire tap ang komunikasyon ng mga sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez Jr., batay sa International Narcotics Strategy Report, lumilitaw na may kakulangan ang ahensiya sa investigative at Judicial tools kabilang na ang kawalan nila ng poder na ma-intercept ang komunikasyon ng drug syndicates.

Kaugnay nito, nagsumite na ng mungkahi sa Kongreso ang PDEA para maamiyendahan ang anti-wiretapping law upang maisama ang drug cases sa listahan ng mga krimen na exempted sa pagkuha ng court order bago makapag-wiretap.

Umaasa ang PDEA na mapapasama sa prayoridad ng Kongreso sa pagbabalik sesyon sa Mayo kasama ang iba pang panukala  para sa pagpapalakas ng ngipin ng gobyerno sa kampanya kontra illegal drugs.

Kabilang dito ang pagsasampa ng forfeiture case kasabay ng drug case laban sa sino mang nahuhuli dahil sa iligal na droga lalo na iyong itinuturing na high value target ng PDEA.

Sa kasalukuyan, pinapayagan lamang ang forfeiture case kapag na-convict na ang isang akusado.

Inaantabayanan din ng ahensiya ang pag-apruba ng Kongreso sa pagtatag ng Office of the Special prosecutor for Dangerous Drugs na tututok sa prosekusyon ng mga ‘big fish’ sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply