World class football stadium itatayo sa Pinas

ITATAYO ang isang world class football stadium sa Pilipinas na magiging tahanan ng national football team na may 75,000 capacity.

Sa isinagawang deliberasyon ng House committee on youth and sports development sa pangunguna ni Rep. Renato Unico (1st District, Camarines Norte) sa House Bill No. 4298, sinabi na maglalaan ng P300 milyon pondo sa nasabing proyekto.

Gayunman, hati ang mga opisyales ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Football and International Football Federation (FIFA) at Philippine Olympic Committee (POC) sa isyu kung saan itatayo ang football coliseum.

Ani PSC chairman Ricardo Garcia, nagkasundo ang mga opisyales ng PSC at FIFA na pondohan na lamang ang renovation ng Rizal Memorial Complex (RMC) na gagawing football coliseum of the Philippines.

“Payag ang FIFA na maglaan ng $500,000 yearly para sa renovation ng football field at stadium batay sa International standard,” sabi ni Garcia.

Ngunit ani POC Chairman Jose “Peping” Cojuangco, mas ideal na lokasyon ang Clark para sa isang world class football stadium kumpara sa Rizal Memorial Complex.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply