Yelo pang-halo-halo at palamig may e-coli

DAHIL sa sobrang init ng panahon ngayong summer ay  dumarami rin ang nagtitinda ng palamig at halo-halo sa ilang tindahan sa Metro Manila.

Paalala ng Department of Health National Capital Region (DOH-NCR) na siguruhing malinis ang preparasyon ng bibilhing pamatid uhaw lalo na ang sa malamig at halo-halo.

Ito ay kasunod ng isinagawang random testing sa mga tindahan sa Maynila at Mandaluyong na nagpositibo at nakitaan ng e-coli bacteria ang mga yelo na ginagamit sa mga palamig.

Paalala ng kagawaran, tiyakin na may sanitary permit ang mga tindahan na binibilhan ng palamig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply