‘Zero V.A.T. sa gasolina’

TUMAAS na naman ang presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang araw bagamat bumaba naman ang ilan tulad ng diesel, kerosene at regular, ang palagiang akyat-panaog ng presyo ng gasolina ay isang araw-araw na pasanin nating mga Pilipino.

Dahil dito, iminungkahi ng isang mambabatas na gawing exempted sa pagkolekta ng “Value Added Tax” ang lahat ng produktong petrolyo. Ang House Bill 6014 ay iminungkahi para sa agarang lunas ng ating mga kababayan na lalo pang naghihirap sa tumataas na presyo ng gasolina.

Tinutulak ni Cong. JV Ejercito, na hindi lang mambabatas kundi isang collector din ng mga iba’t ibang klase ng sasakyan, ang nasabing House Bill na siyang papalit sa mga hindi epektibong programa ng ating gobyerno tulad ng ”Pantawid Pasada” program.

Alam ng mga bus, jeepney, taxi operators at draybers na ang nasabing “Pantawid Pasada” program ng gobyerno ay hindi solusyon dahil mas mabilis tumaas ang presyo ng gasolina, diesel, kerosene at LPG kaysa sa mala-pagong na pagbigay ng tulong ng ating pamahalaan.

Ayon kay Cong. JV Ejerctio, ang Republic Act 9337 o ang “Expanded VAT” law ay tinulak noong taong 2004 dahil sa lumalaking utang ng ating bansa sa mga panahong yaon. Ngunit simula nuon ay nakaraos na ang ating bansa sa mga utang o “national debts” natin at panahon na para bigyan tulong ang ating mga kababayan.

Bagamat malaki ang mawawala sa tax koleksyon ng gobyerno, mas malaki naman ang maitutulong ng batas na ito sa araw-araw na pamumuhay nating mga Pilipino. Mga ka-stoplight, sa palagiang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo lahat tayo ay apektado, alam natin ito.

Sana maging batas ito sa lalong madaling panahon dahil malaki ang maibabawas nito sa presyo kada litro. Mahigit 12% kada litro ang maibabawas kapag naisabatas ito. Sa karaniwang presyo na P58 ng unleaded, halos P7.00 ang mababawas dito kada litro.

Suportahan natin ang mungkahing ito sa pagtawag pansin sa ating mga lokal na congressman. Padalhan sila ng sulat, tawagan o hindi kaya’y puntahan upang itulak din nila itong batas na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply