‘First 5′ sa senatorial ticket ng UNA inilabas

INIHAYAG ngayong araw ng United Nationalist Alliance (UNA) ang unang limang kandidato ng alyansa sa pagkasenador sa darating na 2013 elections.

Sa isang kalatas, kinilala ng alyansang pinamumunuan nina Vice President Jejomar Binay, Senate President Juan Ponce Enrile at dating Pangulong Joseph Estrada ang unang lima na kinabibilangan nina Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, Joey De Venecia mula sa PDP-LABAN; San Juan Rep. JV Ejercito, Cagayan Rep. Jackie Enrile para sa Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at Senador Gregorio Honasan.

Ayon pa kay Atty. JV Bautista, ang tagapagsalita ng alyansa, ang natitirang siyam na bakanteng puwesto ay opisyal na ilalabas ni UNA secretary-general at Navotas Rep. Toby Tiangco matapos ang malaliman at komprehensibong pag-aaral sa mga personalidad na nais maging opisyal na kandidato ng alyasa sa darating na halalan.

Sinabi rin ni Bautista na haka-haka lamang ang anumang pangalan na lumulutang sa labas ng listahang ibibigay ng tanggapan ng alyansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply