‘No Collection Policy’ mahigpit na ipatupad– Akap Bata

NANAWAGAN ngayon ang grupong Akap Bata sa Department of Education (DepEd) na mahigpit na ipatupad ang ‘No Collection Policy’ sa enrollment sa public elementary at high school.

Ayon kay Akap Bata National Secretary General Arlene Brosas, hindi dapat maging hadlang sa edukasyon ang problema sa salapi lalo na ng mga naghihikahos sa buhay.

Nitong mga nakalipas na school year, nagpalabas ng kautusan ang DepEd na nag-aatas na walang dapat kolektahin sa mga bata nasa Grade 4 pababa tuwing enrollment at sa buong taon.

Buko pa rito, wala ring dapat kolektahin sa mga mag-aaral na nasa Grade 5 pataas tuwing pasukan ng klase at maaari lang mangolekta sa mga ito sa ikalawang buwan at boluntaryo lamang ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply