‘Wow, first time’

NAKAMAMANGHA at nakagugulat ang naging resulta sa naganap na May 6 National Press Club (NPC) election kung saan ay inilampaso at dinurog ng Press Freedom Party ni Benny Antiporda ang Media Reform Movement ni Percy Lapid.

Wowwwwwwwwww! For the  1st time, ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng National Press Club election na ang mga nanalo ay nagmula sa iisang partido at hindi lang basta nanalo kundi inilampaso nang husto ng mga kandidato ng Press Freedom Party ang mga kandidato ng Media Reform Party at ang mga independent candidate.

Ang Press Freedom Party ay umukit ng kasaysayan sa NPC sa pagkakapanalo ng malinis na botohan na 15-0, hindi pa nangyari kahit yata sa local at national elections.

Bulung-bulungan sa apat na sulok ng NPC noong nakalipas na Linggo, isa umano sa naging dahilan kung bakit nanalo ang buong partido ng Press Freedom Party ay ang pagiging “cool” ng mga ito sa kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanila ng kanilang mga kalaban. Paminsan-minsan ay sumasagot din sa mga batikos at akusasyon ng mga kalaban ang Press Freedom Party kapag below the belt na ang tira sa kanila pero sa pangkalahatan ay nanatili pa rin silang mahinahon.

Sinasabi nga ng ilang botante na ating nakauasap na itong si Benny Antiporda, ang nanalong Pangulo, ay marami nang napatunayan sa mga miyembro at marami  na rin itong nagawang proyekto sa NPC sa suporta na rin ni NPC outgoing President at incoming NPC Treasurer Jerry Yap, ng Alab ng mga Mamamahayag (ALAM).

Sa 15 nanalo sa Press Freedom Party ay apat dito ang baguhan at pawang mga Director: sina Alvin Murcia, Arlie Calalo,  Paul Gutierrez at Boying Abasola. Sa apat na baguhang Director, hindi sapat ang pasasalamat sa mga bomoto sa inyo, kundi ipakita ninyo sa mga miyembro na kayo ay karapat-dapat na maging Director, na kayo ay aming ibinoto para magtrabaho sa ikagaganda at sa kapakanan ng NPC at hindi sa pansarili lang.

At sa mga dati ng opisyal ng NPC na nanalo na sina Pres. Benny Antiporda, Vice President Marlon Purificacion, Secretary Louie Logarta, Treasurer Jerry Yap, Auditor Lakay Gonzalo at ang mga Directors na sina Mina Navarro, William Depasupil, Ronniel De Guzman, Joel Egco, Tina Maralit at Nats Taboy, sana ay ipagaptuloy ninyo ang inyong nasimulan.

At doon naman sa mga natalong kandidato, better luck next time, ganyan talaga ang election, may nananalo at may natatalo.

Ngayong tapos na ang election, sana ay magkaisa na tayong lahat at magtulungan na lang tayo para sa ikagaganda ng National Press Club (NPC). Kalimutan na natin ang galit sa bawat isa dahil iisa lang ang mundong ating ginagalawan.

Mabuhay ang NPC at congratulations sa overkill outcome ng May 6, 2012 NPC election.

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply