“Handog Ngiti” inilunsad sa Marikina City

PARA sa isang munting ngiti, ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ni Mayor Del de Guzman kasama sina Vice Mayor Jose Fabian Cadiz ay maglulunsad ng isang bagong proyekto na naglalayong matulungan ang mga batang may bingot.

Ang proyektong “Handog Ngiti” ay sa pangunguna ng Office of the Vice Mayor, City Health Office, at Smile Train Foundation.

Kada Linggo, 15 pasyente mula sa iba’t ibang barangay sa Marikina ang sasailalim sa nasabing proyekto. Ang mga nasabing pasyente ay magtitipon-tipon sa St. Vincent Hospital tuwing Lunes para sa screening at sa Martes naman ang kanilang operasyon.

“Ang mga batang ipinanganak na may bingot ay hindi dapat ituring na iba sa mga walang bingot. Nais natin silang matulungan, batid natin ang kanilang hirap kapag sila ay kumakain at nagsasalita. Kaya naman tayo ay nakipagtulungan sa Smile Train Foundation upang magkapaghandog ng libreng operasyon para sa mga may bingot dahil marami sa kanila ang walang sapat na kakayahang pangpinansyal,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Katuwang sa programang ito ang Smile Train Foundation, international non-government organization na layuning magbigay ng libreng operasyon o surgery sa libo-libong mga kabataan sa buong mundo.

Ang pagpapatala para sa Handog Ngiti ay kasalukuyan nang nagsisimula. Para sa mga interesadong lumahok at sa iba pang mga impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Office of the Vice Mayor sa telepono bilang (02)645-6407.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply