1-M absentee voters target ng Comelec sa ’13

TARGET ng Commission on Elections (Comelec)  na magkaroon ng 1 milyong absentee voters sa darating na mid-term election sa 2013.

Sinabi ni Comelec Spokesman Atty.James Jimenez, sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan  na  kasalukuyan nadagdagan pa ng 96,000 aplikante ang dati ng 589,000 absentee voters.

“Sa ngayon baka umabot na sa mahigit 600,000 sasalain pa kasi iyan, pero target namin umabot sa 1 milyon ang absentee voters sa 2013 election”, ayon kay Jimenez.

Nabatid na itinakda hanggang sa Oktubre 31 ang registration para sa mga bagong botante.

Nalaman kay Jimenez, maaring bumoto isang buwan bago mag-eleksiyon ang mga AV sa mga embahada ng Pilipinas na nasasakupan ng mga bansang kanilang pinagta-trabahuhan.

Ito ay sa pamamagitan ng “internet voting” sa mga embassy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply