1 pamilya sa Iloilo tinamaan ng kakaibang sakit na ‘XPD’

TINAMAAN ng kakaibang sakit na “XPD” o X-linked Dystonia Parkinsonism ang isang pamilya sa Carles, Iloilo.

Ang nasabing sakit ay pumupuntirya sa nervous system ng isang tao.

Ayon sa ulat, nagpositibo sa nasabing sakit si El Mercurio, 32, na nakaranas ng sintomas ng sakit noon pang 2008 kabilang na ang  panginginig ng kamay, pangangatog ng mga kalamnan at nakapaekto na rin sa kanyang pagsasalita at paghinga.

Base sa mga espesyalista, ang naturang sakit ay namamana partikular ng mga lalaki.

Nabatid pa na isang kamag-anak na rin ng naturang pamlya ang nasawi sa naturang sakit habang halos buong mag-anak ng Pamilya Mercurio ang may sintomas na ng XPD.

Mangangailangan naman ng P3 milyon si Mang El para sa deep brain stimulation surgery.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply