1 pang impeachment complaint inihahanda vs Corona

NAKAHANDA ang prosekusyon na muling maghain ng impeachment complaint sa susunod na taon sakaling maabswelto si Chief Justice Renato Corona.

Binigyang diin nina Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara at Marikina Rep. Miro Quimbo, mga tagapagsalita ng prosekusyon na kapag na-acquit si Corona ay sasampahan nila ito ng panibagong impeachment case sa December 12 dahil ito rin ang pagtatapos ng one year ban.

Bagama’t hindi pinagdududahan ni Quimbo na mahahatulan si Corona ay sinabi niya pa rin na sakaling malusutan ng punong mahistrado ang impeachment ay nakatitiyak siyang magiging mas mabigat ang panibagong ihahaing reklamo dahil gagamitin nilang ebidensya ang mga nailutang na dokumento na nagdidiin kay Corona.

Kabilang dito ang tax evasion at ill-gotten wealth.

Samantala, inihayag din nina Angara at Quimbo na pinag-aaralan pa kung magre-rebuttal ang prosekusyon matapos ang presentasyon ng depensa.

Sa ngayon anila ay wala silang makitang matibay na ebidensya na gigiba sa mga inilatag na ebidensya ng prosekusyon.

“Rebuttal ay still pinag-aaralan pa. Sa rebuttal titingan namin kung may naiharap na damaging sa presentasyon ng prosecution, pero kung wala ay hindi na,” ani Quimbo.

Ngunit ibang usapan ayon kay Angara kung pahaharapin sa paglilitis si Corona na siyang isinusulong ngayon ng mga senador sa kabila ng patuloy na pagharang ng depensa.

“Ang hindi pagharap ng Chief Justice Corona ay pabor sa prosecution dahil nangangahulugan na may itinatago ito,” sabi pa ni Angara.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply