1 sugatan sa ‘pag-ulan ng yelo’ sa Cebu

ISA ang sugatan habang tinatayang mahigit 80 bahay ang nasira nang “umulan ng yelo” (hailstorm) na sinabayan ng malakas na hangin ang Barangay Lamac at Punod sa Pinamungahan, Cebu, ayon sa ulat ngayon.

Nabatid na isang babae ang isinugod sa ospital nang tamaan ng nabuwal na puno dahil sa malakas na ihip ng hangin.

Handa namang ideklara ni Mayor Geraldine Yapha ang state of calamity sa dalawang barangay upang mabigyan ng agarang tulong ang mga apektadong residente.

Samantala, ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical ang Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi rumehistro sa kanilang radar ang nasabing hailstorm sa Pinamungahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply