1 trak ng pirated DVDs nasamsam sa Naga

HALOS umapaw ang isang trak dahil sa mga nakumpiskang piniratang DVD makaraang salakayin ng grupo ng Optical Media Board (OMB) ang lungsod ng Naga.

Nabatid na sumalakay ang grupo sa pangunguna ni agent Joseph Arnaldo kung saan hindi nakaalma ang mga vendor sa biglaang paglutang ng mga awtoridad.

Ayon pa sa ulat, magkakahiwalay ang kanilang team na naglilibot ngayon sa lungsod bilang bahagi ng kanilang operasyon.

Layunin ng kanilang grupo na matigil na ang nasabing operasyon hindi lang sa lungsod kundi sa buong bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply