10 sugatan ng bumigay ang kulungan ng manok

SAMPUNG katao ang nasaktan ng bumagsak ang tinutungtungan nilang chicken pen habang nagha-harvest ng itlog kamakalawa ng umaga sa lalawigan ng Misamis Oriental,  ayon sa ulat ng pulis kahapon.

Batay sa ulat, bumigay ang sahig ng chicken house sa loob ng isang poultry farm sa Sta. Ana, Tagoloan, Misamis Oriental kung saan nagtra trabaho ang sampung biktima.
.
Kinilala ang anim sa 10 mga biktima na sina Sandy Baganaw, Ignacio Ma-iltoy, Rosario Colevares, Lourdes Dacus, Jerome Espito at Cristian Bustamante na pawang mga residente sa nasabing bayan.

Nag-aani umano ng mga itlog ng manok ang mga biktima nang biglang bumigay ang luma ng sahig ng poultry farm na mayroong taas na 10 metro.

Nagtamo ng sugat at pasa sa katawan ang mga biktima kung saan anim sa kanila ang isinugod sa Northern Mindanao Medical Center.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply