10 suspek sa pagpatay sa Mambusao vice mayor kinasuhan na

SINAMPAHAN na ngayon ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) ang mga sampung suspek sa pagpatay kay Mambusao, Capiz Vice Mayor Abel Martinez noong Mayo 4, 2012.

Kabilang sa mga kinasuhan ng Capiz Provincial Police Office at Special Task Group ay sina Geger Francisco, Barangay Maliao, Sunday Danid, anim na John Does at isang Peter Doe na siya umanong mastermind sa krimen.

Inilakip sa reklamo ang pitong sinumpaang salaysay, report ng PNP medico-legal, SOCO report, investigation report at autopsy report

Matatandaan na pinagabbaril si Martinez ng gunman sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Mambusao sa bayan ng Poblacion.

Agad na isinugod sa Mambusao District Hospital ang bise-alkalde ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply