100 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang may 100 kabahayan makaraang magkasunog sa  Lower Camansi Barangay Paknaan, Mandaue City, Cebu.

Nabatid na nahirapang apulahin ang apoy dahil sa maliit na daanan sa naturang barangay na nagsimulang respondehan ng bumbero bandang alas-7:00 ng umaga.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan dahil sa gawa ang mga ito sa light materials.

Samantala, patuloy namang hinahanap ang isang bata at isang matanda na sinasabing na-trap umano sa sunog.

Kasalukuyan namang inaalam pa ang halaga ng nasirang ari-arian at kung saan nagsimula ang sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply