100 kilo ng botcha nasabat sa Paco Market

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang may 100 kilo ng botchang karne ng baboy sa pamilihang bayan ng Paco sa Maynila kaninang madaling araw.

Gayunman, hindi nama nahuli ang mga responsable sa pagbebenta ng botchang karne ng baboy.

Ayon sa NMIS, mura lang ang botcha na mabibili sa halagang P80 kada kilo sa nasabing palengke.

Ayon pa sa NMIS, posibleng marami na ang nakabili nito.

Muli na lamang nagpaalala ang NMIS sa publiko na busisiing mabuti ang mga binibiling karne at magduda na kapag masyadong mababa na ang benta dito at hindi namalayan na botcha na pala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply