100 naabo sa sunog sa Cebu City

NILAMON ng apoy ang may 100 kabahayan sa naganap na sunog sa tatlong sitio sa Barangay Luz sa lungsod ng Cebu.

Batay sa Cebu City Fire Department naganap ang sunog dakong alas-3:00 ng hapon at umabot sa task force Alpha.

Nabatid na nagsimula umano ang apoy sa bahay ng isang Carmen Villegas sa Sitio Santo Nino 1, Brgy Luz at agad na kumalat sa Sitio City Central at Lubi.

Base sa inisyal na imbestigasyon pinaniniwalaan na charger ng cellphone ang sanhi ng sunog.

Hirap naman ang mga bumbero na apulahin sunog dahil sa makipot ang daan sa lugar.

Pinag-aaralan na ng nasabing barangay at ng Cebu City government na isailalim sa state of calamity ang mga naapektuhan ng sunog.

Pansamantalang nanunuluyan sa Brgy Luz Elementary School ang mga nasunugan

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply