1,000 pulis pa ipinakalat sa Pangasinan para sa Palarong Pambansa

DAGUPAN City –  Bilang pagbibigay seguridad sa isinasagawang Palarong Pambansa sa lalawigan ng Pangasinan, nagpakalatat ang lokal na pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit 1,000 pulis para bantayan ang nasabing kaganapan.

Ayon kay Supt. Benjamin Ocomen, Pangasinan Police Community Relation, nagdagdag sila ng mga pulis upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga manlalaro sa nasabing palaro.

Bukod dito, nagpakalat din ng civilian uniformed police upang magsagawa ng intelligence monitoring para sa karagdagang seguridad.

Naglaan din ng mga K-9 units upang magsagawa ng bomb sniffing job sa bisinidad ng Don Narciso Ramos Sports and Civic Complex kung saan nagaganap ang Palarong Pambansa, sa bayan ng Lingayen.

Mahigpit din ang kautusan ni PNP Director General Nicanor Bartolome sa mga lokal na pulis na huwag magpabaya sa isinasagawang pagbabantay seguridad sa nasabing okasyon.

Ang Palarong Pambansa ay nagsimula noong Mayo 6 at magtatapos sa Mayo 12.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply