11-anyos patay sa pagkain ng butete, 3 utol grabe

ISANG 11 taong gulang na bata ang namatay habang tatlo sa mga kapatid nito ay maitakbo sa pagamutan ang tatlo pa nitong kapatid  matapos na malason sa kinain nitong  “puffer fish”  o butete sa kanilang hapunan, sa
lalawigan ng Cebu, sa  ulat ng PNP kahapon.

Sa isinumiteng ulat ng CEBU PNP Office of Civil Defense, naganap ang food poisoning sa Coastal Barangay ng Bagatayam sa bayan ng Sogod sa lalawigan ng Cebu.

Ayon sa ulat ng Sogod Police Station, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang batang biktima na kinilalang si Melvin Coming habang inoobserbahan ang mga kapatid nito.

Nabatid na anim na oras matapos na kumain ng butete ay nagsimula ng magsuka at makaranas ng matinding sakit ng tiyan ang mga bata hanggang sa malagutan ng hininga ang isa habang nilalapatan ng lunas.

Nabatid na niluto ng mga abta ang isdang dala ng kanilang ama na isang mangingisda para sa kanilang hapunan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply