Totoy dedo sa napulot na granada

NAGKAGUTAY-GUTAY ang katawan ng isang batang lalaki nang sumabog ang pinupukpok nitong granada na kanyang napulot sa isang koprahan sa Guinobatan, Albay, kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng tinamong shrapnels na mula sa isang M203 grenade sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si Chritian Mangampo, 11-anyos ng Purok 4 Barangat Balolo.

Sa ulat na nakarating sa PNP headquarters sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Purok 4 Barangay Bololo, sa bayan ng Guinobatan, Albay.

Ayon sa Guinobatan Municipal Police Station, bago ang insidente ay naglalaro ang biktima sa lugar nang maispatan nito ang isang granada sa may koprahan.

Agad na pinulot ni Mangampo ang granada at tinangkang biyakin sa pamamagitan ng pagpukpok ng palakol pero ilang sandali lamang ay bigla itong sumabog.

Naniniwala naman ang awtoridad na nahulog ang granada sa naturang koprahan dahil ito ay madalas na daanan o ruta ng mga rebelde patungo sa kanilang baluarte.

Sa ngayon, nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang nagkagulanit-gulanit na katawan ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply