$12.4-B inilaan ng ADB para sa mahihirap na bansa

UPANG matugunan ang pangangailangan ng bansang mahihirap, naglaan ng $12.4 bilyon ang Asian Development Bank (ADB) sa pamamagitan ng Special Drawing Rights (SDR).

Ayon kay ADB President Haruhiko Kuroda, isasama ang SDR sa Asian Development Fund (ADF) para sa 2013 hanggang 2016.

Layon ng ADF na mapabuti ang buhay ng mga mahihirap na bansa sa Asya sa pagbuo ng environmentally sustainable growth, kabilang na rito ang edukasyon, social safety nets at ang pagde-develop ng malinis at renewable na enerhiya.

Pag-uusapan din sa pulong ang global economic crisis, inclusive growth at food security.

Ang Pilipinas na isa sa founding members ng ADB ay kasalukuyang host sa taunang pagpupulong na nagsimula kahapon, Mayo 2 at matatapos sa Sabado, Mayo 5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply